Digmaan ma’y natapos na,
Dugo pari’y patuloy ang pagdanak.
Mga bala ma’y naubos na,
kamay pari’y sa gatilyo nakahawak.
Kutsilyo ma’y pumurol ang talim,
sa puso pari’y isinaksak
Pana man ay nag mintis,
sa ‘king sintido’y nakatarak
Ano nga ba talaga ang iyong balak?
Ang iwan ako’t ang aking pusong wasak.
Hayaan ang mga matang umiiyak.
Mag lalakad na sariling kabaog ang hatak hatak.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem