Mahigit isang oras na,
marahan, ako'y nabuburat pa,
mga buhok ko'y nalalagas na,
madalian, ako'y napasabunot pa,
trapikong dulot ay kirot,
tila'y pasikot- sikot,
tantiya'y paikot- ikot,
tuloy, mga mata'y lumilikot.
Sa nangingitim na usok,
sapilitang tumatagas ang pusok,
sumasayad ang hiningang narurupok,
sa inis, isipa'y pumuputok- putok,
trapiko rito at trapiko roon,
tansong hikaw ay nadukot doon,
tornilyo sa utak, lumalambot parang mamon,
tindi ng init, sinasakya'y tila nasa pogon.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem