bawat bumabagtas sa aking alaala'y kumakabit ako ng tula
mga berso ng pagbabalik-tanaw, mga kataga ng pagsariwa
mga sandaling nagpapatulala ng aking kamalayan
sa mga naikakabit na mga alaala
na nagpapaganda ng mga tulang sumasalamin
sa mga nakaw na sandali ng pag-ibig, pagkatuto at pagkasawi
mga tula ng alaalang nagbibigay ng dahilan
sa patuloy kong paghinga, at pag-iral.
Abellon
24 Pebrero 2016
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem