Lumilitaw Ka sa mga taong gutom sa pag-ibig
na kay tagal na ipinagkait sa kanilang pag-iral;
gutom silang nabubuhay sa kakulangang hindi napunan
ng mga nararapat pumuno nito, minsang napuno,
ngunit daglian ring nawala at naglaho.
Ngayong lumipas ang araw ay aking naalala
Pag-ibig mong nagsimula sa pagtubos
at ngayo'y nagawang ibahagi
sa mga taong tulad nilang Iyong kinakandili at iniingatan,
sa 'Yong pagmamahal.
Abellon
25 Hulyo 2015.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
magaling sige sulat pa