Ulap Poem by Laurel Mangubat

Ulap

Umaga pa nang kita'y masulyapan
Oh ulap na may natatanging kagandahan.
Kaputian mong nakatatawag pansin
Pagkat nagniningning ka sa 'king paningin


Kung kaya ko lang na ika'y abutin
Ikaw sana ay akin ng naangkin.
Ika'y akin nalang tititigan,
Hanggang tumatak sa 'king puso't isipan.


Alam kong hindi ka magtatagal
Sa kasalukuyang kinalalagyan,
Habang ang panahon ay naglalakbay
Nalalapit na rin ang yong paglisan.


Kahit hindi na kita nakikita
Sisikapin kong hindi mangamba
Maya maya lang, hahanapin kita
At sa iyo, ako'y pakikilala.

Thursday, September 10, 2020
Topic(s) of this poem: love,peaceful,secret
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Laurel Mangubat

Laurel Mangubat

O'Donnell, Capas, Tarlac
Close
Error Success