francis ian


Untitled - Poem by francis ian

nais ko sanang sa iyoy sabihin,
kung gaano ka kaganda sa aking paningin,
pag pinagmamasdan ko ang iyong larawan,
ang babaeng pinapangarap ang pumapasok
sa isipan, ...
wala man akong maipagmamayabang,
wala man akong kotseng pwede mong masakyan,
at wala man akong musika gaya ng rakista,
hatid ko nama'y pag-ibig na dakila,
at kung ako rin ay iyong iibigin,
pangako, ikaw ang lahat sa akin,
wala nang makakahigit sa iyo,
tanging ikaw ang magmamay-ari nitong aking puso,
hindi ko man maipapangako sayo ang buwan at mga bituin,
pero sa aking buhay, ikaw lang ang magniningning,
di ko maipapangako na puro tuwa't saya,
pero pangako, pupunasan ko ang iyong mga luha,
pagkat tanging ikaw ang aking mahal,
ang siya kong dinadalangin sa Maykapal.


Comments about Untitled by francis ian

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, December 10, 2009



[Report Error]