Minsan akong napadpad sa paraisong hindi ko man lang naisip
hindi ko lubos akalain na akoy pinalad na ito'y hindi lang panaginip
ang langit na higit pa sa kaya kong iguhit
ay sadyang sa akin ay tunay na inilapit
panahon sa aki'y nagtulak sa dakong hindi ko na minimithi
wari'y agos ng tubig na sadyang sa uhaw lalamunan ay nabibighani
at ang minsan kong tinawag na larawan ng langit
ay muli kong pinansin kung doon ay meron pang hihigit
subalit ang kaganapan ng aking paningin sa kagandahan
wala ng hihilingin sa nakuhang payak na kasapatan
kaya't ibinaling na muli ang paningin sa paraisong natagpuan
ngunit tila ang pagkakataon ay sadyang humahadlang
naghahangad pa sana na muling humimlay sa pastulang ito
ngunit pag-aalinlangay nagsasabing wag nalang siguro.
(madero/25august2011naga)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem