Mga ilang taon narin, mga ilang buwan narin, mga ilang araw narin ang nakaraan
Noong sa pagitan nating dalawa natutunan natin ang salitang "Tapos Na"
Na sa pagbigkas nun ay iyon na ang simula
Simula sa pagbabago sa aming dalawa, sa relasyon na tinuldukan na
Mga ilang taon narin ang lumipas
Ngunit mga karanasan natin ay bagongbagopa
na parang kahapon pa nangyari at nadarama
ang pagmamahalan natin sa isa't-isa
Mga ilang taon narin
Na ang tawagan natin ay Mahal Ko
Na sa bawat sambit nito ay nagpapaalala na iniibig mo ako
Subalit nag iba na ang mahal mo ako napalitan na ng salitang Mahal mo na siya
Mga ilang Buwan narin ang lumipas
Na sa bawat sais ng buwan ay nagpaparamdam na dito tayo nag simula
Na sa bawat sais ng buwan ay nagpapaalala na mahal natin ang isat-isa
Ngunit lahat iyon ay nag iba, lahat ng iyon ay lumipas na
Mga ilang Buwan narin
Nang nakita kita na may kasamang iba, na nakaangkas kapa sa motor na pagmamay-ari niya
Na Habang ako'y naghihintay sa may tindahan ay nakita mo pa
nakita mo akong mag-isa habang ikaw ay masayang may kasama
Mga ilang araw nalang magkikita na naman tayo
Dahil sa classroom magkaklasi at Magkatabi tayo
Hirap ng sitwasyon ko, Bakit mabigay parin yung nadarama ko para sayo?
Siguro, tatahimik nalang, di nalang kikibo, di nalang magpaparamdam
Mga ilang araw nalang
Magtatapos narin tayo, maghahanap ng oportunidad sa mundo
Magbabasakali makita ko yun sayo
Na sana magtatagpo parin yung mundo mo sa mundo ko
Ps. I'm Still Hoping
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem