Walang Anuman Poem by GLEN SALES

Walang Anuman

Huwag mong ikaligaya.
Huwag mong ipagtaka.
Huwag mo akong alayan ng pasalamat.
Sugatan din ako.
May mga araw na nagwawala at nawawala ako
Sa pinapangalan mong lumbay
At walang nakaririnig sa akin.

Marahil, kung ako ay nasa gubat,
Matagal na akong nilapa
Ng mga ilahas na hayop.
Ang totoo,
Nag-aabot lamang ako ng kamay
Kaibigan, ngunit wala akong maiaalay.

Wednesday, September 13, 2017
Topic(s) of this poem: hands,love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success