Walang Kapantay Poem by Phoenix1 Smith

Walang Kapantay

Ikaw lang ang tanging lalaking inibig ko ng ganito
paulit-ulit mo man akong saktan ay kakayanin ko..
kahit ilan beses ka man maaliw sa ibang kagandahan,
maghihintay pa rin sa araw na ako'y iyong hagkan..

Ilang ulit mo pa akong paluhain ay hindi pa rin ako
mawawala sa iyong piling, nandito lang ako mahal ko
ako sayo'y handang dumamay sa ligaya at suliranin,
dasal ko ang araw na sa akin ka na lamang titingin

batid kong mayron iba kang minamahal aking giliw
pag ibig nya ay naghahatid sayo ng tunay na aliw
kung ikaw man ay lumisan at ako tuloy nang iwan
pag-ibig na alay sayo'y di magmamaliw kaylan man

kung ikaw'y tuluyan ng magpasyang saki'y lumisan
hindi magdaramdam, kahit alaala lamang saki'y iwan
ako sayo'y nagpaligaya at minahal mo rin ng minsan
walang hanggan, sayong pagbabalik ay maghihintay
pagkat pag-ibig ko sayo'y dalisay at walang kapantay..

Saturday, December 17, 2016
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success