Walang Nagbago - Eraserheads Poem by opium lestre

Walang Nagbago - Eraserheads

Nu'ng ikaw ay bata pa
Ang lahat ay masaya

Refrain 1:
Umiikot ang mundo at hindi humihinto
Ang lahat ng makita mo ay bago

At ngayon may edad ka na
At lunod sa problema

Refrain 2:
Nangangarap ibalik ang kahapon
Hindi mo malaman kung bakit kailangan
Magbago ang lahat (2x)
Magbago ang lahat sa buhay mo.

Bridge:
Umaaraw, umuulan
Noon pa ma'y sadyang ganyan at kung ngayon
Lahat ng panaginip mo'y biglang naglaho
Pare-pareho lamang tayo
Isipin mong walang nagbago

Kung ano tayo noon
Ay ganon pa rin ngayon

Refrain 3:
Umiikot ang mundo at hindi humihinto
Ngunit ang kalagayan mo ay
Hindi nagbabago (2x)

Coda:
Walang nagbago (5x)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success