Yan Si Dadi Rodie Poem by perfecto pacheco

Yan Si Dadi Rodie

Simpleng tao lang, itong si Dadi rodie
Na ngayoy’y nakatira, doon sa Germany
Ang kanyang kaibigan, saksakan ng dami
Marunong makisama, Yan si dadi rodie

Sa kanyang talento, daig ang arkitekto
Pag kanyang minando, nais ay perpekto
Ang kanyang mga plano, gusto ay totoo
Hangad lamang niya, na ikay matuto

Kapag siya ay nagalit, wag ka nang mangungulit
Kalmantihin mo lamang, Ngiti ang ibabalik
Para din naman sayo, ang kanyang pangungulit
Sa darating na panahon, siguradong iyong magagamit

Bilang isang ama, Huwarang maitatalaga
Sakripisyo ay ginawa, para sa apat na anak nya
Umalis sya ng bansa, para lang maisalba
Pangarap na minimithi, para sa kanyang pamilya

Swerte na lang at, kay Momi Sabel sya napunta
Puso nilang dalawa, pinagsama ng tadhana
Walang makapaghihiwalay, sa pag-iibigan nila
Kayang talunin sa istorya, kahit sina Florante at Laura

Ang swerte ko naman, siya ang aking biyenan
Daig ang mag-ama, sa tawag ng turingan
Sa dami ng taon, na aming pinagsamahan
Ni minsan di nagalit, Saludo ako sa iyo biyenan

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success