Nung una hindi ko masyado pa kilala
Tingin ko sa kanya parang katulad ko rin pala
'Oo' o 'hindi' lagi kong naririnig kapag nagtatanong
Iyon pala nagpapakilala at mahiyain parin nung una
...
Akala Ko Lang
Nung una hindi ko masyado pa kilala
Tingin ko sa kanya parang katulad ko rin pala
'Oo' o 'hindi' lagi kong naririnig kapag nagtatanong
Iyon pala nagpapakilala at mahiyain parin nung una
Hindi na ako nagdalawang isip sa mga balak ko
Naglakas loob lang ako at hindi na huminto
Akala ko mapupulot ko ay parang bato
Iyon pala swerte ko kaibigan ko parang ginto
Sana'y hilig ko, hilig niya, hilig naming pareho
Akalain mo iyon, hindi pala marami kaming pagkakaiba
Ay hindi! , akala ko lang pala iyon nung una
Dahil sa lahat ng aming eksena kami lagi ang bida
Mga akala kong mali naging mithiin ko na
Mas importante ang iwasan ang maling akala
Huwag asahan ang mga akala'y maging totoo
Dahil ang mapulot mong ginto ay maaring maging purong bato