Aking Pinangarap

Mahal kong binibini
Sa puso ko, ikaw ay natatangi
Sana ika'y aking makatabi
Kayakap ko sa malalamig na gabi

Dati isa ka lamang pangarap
Ngayon ikaw ay akin ng nahanap
Minsan parang ayoko na ngang kumurap
Baka bigla na lang mawala ka sa aking harap

Ang mahalin ka, yan ang aking panata
Mula ngayon, hanggang sa susunod na kabanata
Mga pagsubok, hindi ko alintana
Naramdaman ko na, ang wakas ng aking pagkabinata

Kahit saang simbahan ikaw ay pakakasalan
Mataas man ang araw o malakas ang ulan
Basta't sumipot ka lang sa ating tagpuan
Hinding hindi mo ito pagsisisihan

Sa akin huwag ka ng mag duda
Magdasal ka na lang buddha
Na sana habang buhay tayo'y magkasama
Buo ang pamilya at mamuhay ng masaya
Thursday, October 14, 2010
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
COMMENTS

Phenomenal Woman

Delivering Poems Around The World

Poems are the property of their respective owners. All information has been reproduced here for educational and informational purposes to benefit site visitors, and is provided at no charge...

2/27/2021 12:51:52 PM # 1.0.0.504