Mark Atas

Rookie (3-29-83)

Pre! - Poem by Mark Atas

Lipas na ng panahon
ang aking paghanga
Sa napakgandang dalaga
na hindi ko pa nakakasama

Siya ay nababalot
Ng kakaibang enerhiya
Hinahangaan ng karamihan
Pinapangarap ng kalalakihan

Madalas sa panaginip
ako'y kanyang dinadalaw
Sa kanya ay nakatitig
unti unti kong nilulusaw

Labis na pagmamahal sa pamilya
Sa kanya ay aking nakita
Kaya't ano man ang dumating na problema
Tiyak kong ito'y malalampasan niya

Simpleng nilalang
kung siya ay aking tingnan
Subalit may kalaliman
Noong siya ay aking pagmasdan

Sa mga istilo niyang kakaiba
Minsan ako'y natatawa
Subalit sa kabilang banda
kamalayan ko ay natutuwa

Isa siyang totoong tao
Doon ako ay sigurado
Kahit na minsan ay barumbado
At tila may sira ang ulo

Salamat sa pagkakataon
Siya ay naging aking kaibigan
Para sa akin, ito'y malaking karangalan
Pinagsamahan na hinding hindi malilimutan


Comments about Pre! by Mark Atas

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Sunday, May 1, 2011

Poem Edited: Thursday, May 5, 2011


[Report Error]