Menu
Friday, July 29, 2011

Buhay Pentoolista

Sabay sa paghuni ng mga ibon
Ang paglipad ng aming imahinasyon
Pakiramdam ay balisa
Uhaw sa paglikha

Sa pag liwanag ng pagkakataon
Mga kamay ay hinahamon
Pinag tatagpi ang kaalaman
Pinatatakbo sa isipan

Madalas walang kainan
Minsan wala din liguan
Kahit bumaho ang katawan
Basta't makagawa lamang

Mga obra namin ay pinaghirapan
Dugo at pawis ang pinuhunan
Huwag sana gawan ng kasamaan
At kami ay nakawan

Ang sekreto ng pag galing
Ay ang pagmamahal sa sining
Talentong ibinigay ng Diyos
Gamitin sana natin ng maayos

Yan ang buhay ng pentoolista
Mundo namin ay sa paglikha
Talino namin ay nasa puso
Isang tunay na Pilipino


(4/28/11)
Mark Atas
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
COMMENTS

Dreams

Delivering Poems Around The World

Poems are the property of their respective owners. All information has been reproduced here for educational and informational purposes to benefit site visitors, and is provided at no charge...

1/22/2021 7:46:10 AM # 1.0.0.425