Judith Kempis

Rookie - 0 Points (january 04,1983 / dulag, leyte)

Ako Noon At Ngayon - Poem by Judith Kempis

Noon ako'y isang paslit na puno ng hinanakit
Halos lahat ng karanasan ko'y ubod ng pait
Noon ako'y isang api na anak ng pulubi
Halos walang makain kahit ilang tanghali o gabi
Ngunit tiniis ko'y baka lilipas ng ilang sandali
Nang dahil doon ay isinaksak ko sa kukuti
Magsisikap ako kahit anong mangyari.

Ngayon nakapagtapos ako ng dahil sa sakripisyo
Lahat tiniis puyat o pagod man ako
Luha at pawis ang naging puhunan ko
Alang-alang sa pag aaral ko
Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito
Basta't namalayan ko nalang na tapos na ako
Kulang nalang sa akin ay makapagtrabaho.

Hindi madali ang makapagtrabaho
Iba't ibang kurso mga kasabay ko
Sa isang bakante milyon kakompetensya ko
Lalo na't kulang and oportunidad dito
Mabuti pang magpakalayu-layo
Baka doon ang magandang tadhana
Sa distinasyong dadaungan ko.

Lungkot at malayo sa pamilya ay titiisin ko
Umangat sa kahirapan ang kailangan dito
Tatag ng loob susubukan ko
Tumayo sa sariling paa ay patutunayan ko
Tagumpay, ay isisigaw ko sa mundo
AKO ito noon, tagumpay ngayon.


Comments about Ako Noon At Ngayon by Judith Kempis

  • (7/9/2016 1:05:00 AM)


    Galing. Gusto ko tong poem mo. I respected all the sacrifices you've made para lang di maranasan ang mga pasanin sa ating buhay. Wag mo na ding kalimutan magpaslamat at sa naging inspirasyon mo upang makapag patuloy ng iyong paglalakbay. Saludo ako sa'yo :) (Report) Reply

    0 person liked.
    0 person did not like.
  • Lotlot Diaz (7/2/2016 9:08:00 AM)


    Sobrang ganda. Totoo ba itong karanasan hango sa buhay mo?
    Ramdam na ramdam ko ang masidhi mong pagsisikap
    ayon sa mga salitang ginamit mo. Napaka makatotohanan.
    Kung my panahon ka sanay mabasa mo rin ang aking mga tula. Thanks.
    (Report) Reply

Read all 2 comments »



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Friday, April 29, 2011

Poem Edited: Tuesday, May 10, 2011


[Report Error]