Mula nang kita'y aking masilayan
Ang puso ko'y tangan mo na
Mula nang kita'y makilala
Ang aking pagmamahal sayo'y
Walang kapara.
Ngunit aking nalaman na ikaw
Pala'y may mahal ng iba
At sa susunod na buwan
Kayo'y ikakasal na.
Napakasakit tanggapin
Ngunit ang pag-ibig ko
Di pa rin susuko sa iyo
Ganyan ang pag-ibig kong totoo.
Ikaw man ay may mahal ng iba
Ako'y maghihintay hanggang sa dulo n
Ng walang hanggan.
Kahit tayo'y tumanda na
Ikaw pa rin ang iibigin ko
Aking minumutya.
Hanggan kamatayan
Ikaw pa rin
Ang mamahalin aking sinta.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem