Restyrona Rivera


Kay Hirap Maging Ofw - Poem by Restyrona Rivera

Overseas Filipino Worker
Kay gandang pakinggan
Karamihan pag tayo'y nasa abroad
Ang alam nila'y tayo'y maraming pera.

Pero hindi aking mga kababayan
Anong hirap kaya
Kailangan din namin
Magtipid ng ulam at meryenda
At mga kagamitan na kailangang bilhin
Para lamang may maipadala.

Imbis na fried chicken isda na lamang ang aming ulam
Kung minsan nga maraming mga OFW
Ang namiminwit sa dagat para lamang may libre na
pagkain.

Kay hirap maging OFW
mawawalay ka sa iyong pamilya
Ilang taon ang iyong kontrata para
Makabalik ka sa Pilipinas.

Kung minsan pa
Maraming mga pamilya
Ang nawawasak dahil pagdating
nila sa kanilang bahay.

Iba na pala ang kinakasama ni Mr. / Mrs.
Kay hirap talaga maging OFW
Mga anak mo'y napapalayo sa yo
Dahil wala sa iyong ang naggagabay
Nalulon sila sa masamang bisyo.


Comments about Kay Hirap Maging Ofw by Restyrona Rivera

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Wednesday, December 21, 2011

Poem Edited: Wednesday, December 21, 2011


[Report Error]