Alitaptap Poem by Phoenix1 Smith

Alitaptap

Lumilipad na alitaptap
parating kumikutitap
ano ba iyong hanap
panay lamang kurap

didikit lamang sa puno
kapag marahil napagod
magsisislbing tanglaw
sa lahat na makatanaw

maliit mong liwanag
minsan di maaninag
munting ligaya parin
sa gabing na madilim

sana'y mahawakan kita
naghihintay na palad
upang sakin ay ilahad
malikot mong pakpak
bakit puno ito ng galak

Sunday, June 11, 2017
Topic(s) of this poem: nature
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success