Kumukutikutitap
alitaptap sa dilim
buhay niya mang maiksi
ay nagbigay liwanag
sa sanlibutan
na kung saan naroroon
mga pangarap
na nakatago sa dilim.
Kumukutikutitap
alitaptap sa dilim
halina kaibigan
at bigyan natin ng liwanag
mga pangarap
na nakatago sa dilim.
Kumukutikutitap
alitaptap sa dilim.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem