Eljess Rey Cadiz


Ang Inakala Ko Sa'tin - Poem by Eljess Rey Cadiz

Masaya ang ating ugnayan
Iyan ang nakikita ko't nararamdaman
Inasahang magpakailanman
Sa isang iglap ito pala ay lilisan

Akala ko walang iwanan
Naalala mo pa ba ating sumpaan?
Puso mo, diba ako ang laman?
Sabi mo sa aking noong una nating aminan

Akala ko ako iyong ipaglalaban
Sa mga kanayon mo't mga kaibigan
Ramdam ko ay akoy pinabayaan
Isinantabi ni wala kang sinabing dahilan

Akala ko pang walang hanggan
Estorya natin, hanap ko nasaan?
Wakas na ba ito ng ating pinaglakbayan?
kasi 'di ko na makita ang katumbas nitong daan

Alala ko pa noong tayo'y nag-asaran
Pinipikon mo ako't pinapagalitan
Minsan nga ako ay sinasabihan
Na sana ako nalang ang iyong hangganan

Haggang alaala nalang ba iyon?
Pagmamahalan natin ating nalang bang ibaon?
Ipapalipad na katulad ng isang ibon?
O sa lawak ng dagat dun ba natin itatapon?

Gumising ka naman ako'y pakingan
Huwag mo akong iwan 'di ko kayang mawalan
Seryoso ako sa ating ugnayan
Kumapit ka naman 'wag akong bitawan

Akala ko madaling mabuhay mag-isa
Na mairaos ko ang buhay na may pag-asa
Tinanong ko ang sarili hindi ko pala kaya
Dalangin ko ito sana'y 'di umpisa

Akala ko ay tayo pa
Ngunit pinagsigawan mo, 'di na pala
Hanggang ngayon ako'y umaasa
Alam mo, mahal na mahal kita

Akala ko hindi hihinto
Dito na tayo sa punto na kay labo
Para bang negosyong walang nakitang tubo
Na sumagal ka na nga 'di pa lumago

Huling akala ko, altar ating hantungan
Napasok tayo sa mundo ng hiwalayan
Dalhin sana ako nito sa lubos na kasiyahan
Na pinagkait mo sa akin nitong ating pagmamahalan

Topic(s) of this poem: hurt, love

Form: Light Verse


Comments about Ang Inakala Ko Sa'tin by Eljess Rey Cadiz

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags


Poem Submitted: Thursday, November 19, 2015



[Report Error]