Nanggaling ako, saan?
Dun sa bahay na bato...
Si auntie Romana -
Na di mo kilala,
Nung siya ay nadisgrasya,
Sa bahay siya ay dinala
Upang magpagaling...
Matalinghagang dila niya
Sa Tatay ay nagpasaring,
At sinabi sa akin,
'Mapalasyo
ang bahay niyang bato,
Ngunit ang nakatira naman
Ay kuwago! '
Saan ako nanggaling?
Dun sa bahay na bato...
Di ko mawari ang tinutukoy,
May kimkim kaya siyang galit
Sa kuwagong huwaran,
At hari ng aming angkan-
Na naging marupok
Sa kahinaan ng laman?
Wala na si Auntie Romana,
Ang Tatay ay patay na;
At tuluyang nabuwag
Ang bahay na bato...
Ngunit nanatiling buhay
Ang aral ng kuwago...
At aking ama
Giliw ko pang naaalala...
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem