Ang Mabuhay Poem by Doris Cornago

Ang Mabuhay

Pula ang pakiramdam ng ating pag-iibigan
Bumabalot ang init, masarap ang mabuhay
Pagtitiwala nagpapanatili ng ningas
Hindi ka nawala ngunit natagpuan
Nakapinid na pinto ay nabuksan
Nagkaroon ng direksyon mga
Sali-saliwa, baku-bakung
Daan, wala ng kulang
Wari mo'y itinakda
Ang isang orasan
Katangi-tangi't
Kaakit-akit
Walang
Pagdududa
Maningas parang
Araw, puno ng pag-asa
Nakilala mo na mahigit pa
Naka-daop palad pagpapala
Sobra sobra, parang humahangos
Na alon sa dalampasigan, banayad
Sa simula, tapos parang walang pagsidlan
Umaalimpuyo ang mainit na buhangin, naibsan
Ng dagat sa magkabilang panig, pumanatag, parang
Mga pader ng tubig naging kristal na matatag na gusali
Ngayon na ang pagtutubos, itigil na itong pagbabaka-sakali


Translated from the English poem "Alive"

Ang Mabuhay
Saturday, June 9, 2018
Topic(s) of this poem: english,freedom,hindi,life
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
Vacillation in doing a task or deciding among many choices is the crux of life, and the key is defining the scope of your freedom in making a choice and connecting the dots of many choices you need to make until you can be settled that this is truly where you want to be, the freedom you want to savor.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success