Ang Maging Isang Ina Poem by Jane Quijano

Ang Maging Isang Ina

Mahirap ang maging isang Ina
Lalo na at siya din ang ama...
Gabundok ang pasanin niya!

Bigat at hirap
Sa sinaupunan ay di iniinda...
Mabuhay lang ang anak niya.

Bawat kibot ay
Kinikilatis niya...
Kung ito ba ay masigla pa.

Pilit ibibigay ng ina
Mga ikakasiya niya...
Paglaki ay maging suwail pa!

Mahirap maging Ina-
Gabay at ilaw,
At kaibigang matalik pa...

Kelan nga ba titikisin?
Kelan bibigyan ng pansin?
Kelan dapat ang anak ay paluin?

At kung anak sa landas
Ay nawalay, hinagpis ng Ina
Ay walang humpay!

Bakit nga ba at si Eba,
Noon ay siyang nagkasala pa
At parusang itinuring
Ang maging isang Ina?

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success