Ang Mundo Ay Isang Mansanas Poem by Inner Whispers

Ang Mundo Ay Isang Mansanas

kaakit-akit
titig na umiibig
kislap ng mga mata
kinang ng inihahaing ligaya

sin' sariwa ng labi
mapula at kimi
bango'y kay tamis
handog ay iyong nais

halika...
lumapit ka
tikman ang tamis
sakdal hanggang langit!

subalit...

huh!
ang mundo ay isang mansanas.

Ang Mundo Ay Isang Mansanas
Friday, December 18, 2015
Topic(s) of this poem: love and life
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success