Ang Taong Umiibig Poem by arabel dayrit

Ang Taong Umiibig

Ang taong umiibig

Ang tao'y marupok pagdating sa pag-ibig.
Animo'y nagniningas na apoy ang kawangis.
Mahirap pawiin, di tablan ng tubig.
Sa pag-alab at pagtupok ito'y walang kaparis.

Kaya huwag magtaka kung madali kang marahuyo.
Sa pag-ibig na dala ng hangin na mapambuyo.
Daig pa ang alon kung humampas sa buhangin.
O' ang dahon sa puno pag tinangay na ng hangin.

Kaligayahan ang hatid sa unang pagsinta.
Animo'y paru-paro sa hardin ng mga rosas.
Ngunit kapag dumating ang taglagas.
Paru-paro'y lilisan, pagsinta'y nagwakas.

Pag-ibig ay mabuway pag pundasyon ay mababaw.
Lalo na kung isa lang ang umiibig ng tunay.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success