arabel dayrit

Rookie (october 21 1989)

Hatid Ng Pagibig - Poem by arabel dayrit

Hatid ng Pagibig
Ang kislap nito ay animo bato.
Pag' tinamaan ng sinag, kumikinang ng todo.
Ito ay dalisay na tubig, umaagos ng kusa,
Dumadampi sa mukha, humahalik sa lupa.

Bagyo ang kaparis kapg humahagupit.
Sakit ang dulot kapag ito ay lumapit.
Punyal sa dibdib na sa puso'y tumarak.
Lungkot ang hinabi, ligaya'y winasak

Kawangis nito ay anghel sa langit.
Na mayroong kasamang libong mang-aawit.
Parang isang sanggol n pinaghehele ng ina.
Na inaawitan ng kundiman na may pagsinta.


Comments about Hatid Ng Pagibig by arabel dayrit

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, April 12, 2012



[Report Error]