Ang Tulang Walang Pamagat (A Poem With No Title)

Pilit kong hinahagilap ang iyong ngiting
nakatambay lang sa isang tabi.
Di ko mawari
ba't di ko maabot ang langit?
Ngunit abot tanaw naman nila
ang iyong ningning.
Sadyang mailap lang talaga
ang bawat sandali
Na kinukubli
ng nagpupuyos na damdamin
at katahimikang nakakahon sa alanganin.
Bawat segundo'y hiling ko'y dinggin
sa tadhanang minsan ay mapait
at lipunang mapanira at taksil
na sana'y sa aking muling pag gising
ikaw ay hindi na isang panaginip.

READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
COMMENTS OF THE POEM

Stopping By Woods On A Snowy Evening