Ano ba ito?
Walang maisip na maganda
May writer's block yata ako ngayon
Ano ba ito sinusulat ko, walang kuwenta
Bagay yata ito sa basurahan
Hay…ewan! ! ! Nakakainis talaga!
Bahala na nga at wala talaga akong paki
Kung may makabasa man nito
Buti na lang kung walang magbasa nito
Bahala na kung ano man ang sinulat ko
Kung pangkritiko man ito
Kung makatulong man ito sa hirap ng buhay
Kung makainspire man ako
Kung nanakot man ako sa sinulat ko
Bahala na kung ma-offend ka sa sinulat ko
Dahil sa dami ng mura o kaya'y di katangap tangap
Dahil sa malaswa ito at di talaga pampubliko
Dahil sa naninira ito ng tao na kilala mo
Dahil sa sira ulo ang nagsulat nito
At dahil sa napakadisturbing nito
Bahala na kung makasulat man ako
Ng mga likhang literatura na di malilimutan
Na kahit patay na ako ay maaalala mo pa ako
O kahit ilang libong taon na ay maaalala pa
Ng mga susunod na henerasyon
Na pag-aaralan ang mga sinulat ko
Ordinaryong tao lang ako na mahilig magsulat
Libangan lang ang ginagawa ko
At kahit walang bayad ay pinapublish ko ito
Kahit saang website basta mabasa lang
Hindi ko hangad na maging popular
Hindi ko hangad ang yumaman
Hindi ko hangad ang magka-award
O magkaroon ng maraming fans
Ok lang kung di mo magustuhan mo ang sinulat ko
At least na-share ko ang nasa isip ko
Bahala na kung ang sinulat ko ay non-sense
Isang maikling tula man ito na mahirap intindihin
Maikling kuwento o isang napakahabang nobela
Kung predictable man ang kuwento nito
At masyadong nang generic para sa'yo
Na alam mo na agad ang ending
O kaya ay hindi orihinal at inspired lang
Gusto ko lang magsulat at magshare ng thought
Kahit walang bayad o kaya'y magbasa
Kahit di man ito importante o makakasalba ng buhay
Kahit wala man magkagusto dito
O kaya naman ay marami man ang magalit sa akin
Masarap kasing magsulat, talento ko ito
Kaya bahala na kung anong isipin mo.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
thank you dahil marami akong natutunan sa kaalaman niyo po