pinilit ko nang makalimutan ka
binura ko lahat ng ugnayan saiyo
ngunitpagluha'y di maalis sa mata
pagkat ang lumayoy di alam kung kaya ko
pilit kong hinubog ang aking kasanayan
manatili sa mundong wala ka nang puwang
ngunit alaala mo'y pilit nakikilaban
hanggang sa isip ko ikaw nalang ang laman
bakit ba ang mukha mo'y di maiwaksi
puso kong salat ikaw pa rin ang hangad
hanggang ngayo'y kalungkuta'y hindi mapawi
tanong ko ba'y di talaga masagot agad.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem