Bakit ba mahal na mahal kita,
Di ko naman inaasam na
Sa isang katulad mo ako ay hahanga?
Bakit ba nahulog ang damdamin ko,
Sa isang katulad mo,
Ang layo mo naman sa ideal man ko?
Hay naku! Bakit ba hinahanap ko,
Ang kakulitan at paglalambing mo,
Kapag wala ka sa tabi ko?
Naaasar na nga ako sa sarili ko,
Nayayamut sa nadarama ko,
Ang bigat sa puso at isipan ko!
Para na ngang guguho ang mundo ko,
Sa bigat na dinadala ko,
Na ginawa nitong puso ko!
Kaya ngayun ginawa ko ito,
Para maluwagluwagan ang kaluoban ko,
Kahit hindi naman maging tayo!
(10/28/04. 8: 30 p.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem