Phoenix1 Smith


Bakit Limot Mo Na? - Poem by Phoenix1 Smith

Bata pa lang ng unang masilayan ka
Bakit sa murang isip, ako ay nagtaka
Puso ko ay lihim sa iyo ngumiti bigla
Tila dating panahon pa ika'y kilala na

Marahil nung nakaraan pang buhay
Ako at Ikaw nag ibigan na ng tunay
Nang iyong mga mata saki'y sumilay
Parang sayo'y ayaw ko na humiwalay

Hindi maunawaan aking damdamin
Talagang nakakatuwa ito na aminin
Kaya't mithi ko ay aking dinalangin
Pakiramdam ko'y matagal ka ng akin

Tayo'y nagsayaw at gabi'y dumaan
Nadama labis na tuwa't kaligayahan
Sinambit mo pag-ibig walang hanggan
Ito naman agad aking pinaniwalaan

Ngunit bigla ka naglaho kinabukasan
Nasaan kana sinta? hindi ko na alam
Nabibiyak na puso sa nararamdaman
Hanap kita, pag-asa, ako na'y nawalan

Mga araw at taon mabilis na nagdaan
At tayo ay muling nagka-salubungan.
Wika mo saki'y 'ano iyong pangalan?
Nakalipas nati'y di ko na matandaan'

Topic(s) of this poem: love and life


Comments about Bakit Limot Mo Na? by Phoenix1 Smith

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags


Poem Submitted: Wednesday, September 9, 2015

Poem Edited: Wednesday, September 9, 2015


[Report Error]