Sa bawat oras na ako'y nag-iisa
Bakit nga ba laging naaalala ka
ang nais at gusto ko ay makita ka
At ika'y makakapiling sa tuwina
Bakit nga ba? ang tanong ko sa sarili
Kung bakit ikaw pa ang aking napili
Pinapangarap ko na ako'y mapansin mo
At malaman mo ang laman ng puso ko
Bakit nga ba ang aking nararamdaman
Ay di ko lubos na maintindihan
Pagtingin at pagibig na walang hangan
Handang maghihintay magpakailan pa man
Kailan mo pa kaya ako mapapansin
At magkaroon ka ng kunting pagtingin
Ikaw ba kaya'y nararapat sa akin?
Ikaw ba ay dapat na pakamahalin?
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem