Sinasabi na ang mga kabataan
Ang silang nagsilbing pag-asa ng bayan
Ngunit paano ito mapatunayan
Gayong iniisip nila'y puro kalokohan
Nawawala na taglay nilang kabutihan
Sarili nila'y di pinahahalagahan
Di iniisip ang kinabukasan
Laging ginagawa ay kapangahasan
Patnubay ng magulang ang tanging kailangan
Upang maituwid daang pinaglakbayan
At sa mabuting landas sila'y gagabayan
Upang madilim na bukas ya di maranasan
Kaya tayo'y magkaisa at magtulungan
Upang bagong pag-asa ating maslayan
At sa gayo'y maipakita ng mga kabataan
Na sila'y tunay na pag-asa ng bayan
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem