Bakit Ngayon Lang? (What Took You So Long?) Poem by Eve Young

Bakit Ngayon Lang? (What Took You So Long?)

Matagal na kitang kilala
Masaya t'wing magkasama
Kahit pa nasaktan ang puso ko
Nu'ng ibigin mo'y iba.

'Di ko sinadyang mahalin kita
Damdamin ko'y nilihim
Ibinaling din sa iba
Akala ikaw'y masaya na.

Ngayo'y nandito ka..

Bakit ngayon lang?
Bakit ngayon mo lang sinabi?
Laman ng puso mo'y ako
Ako pala'y itinatangi.
Sana'y 'di nagkunwari
Ngayo'y hindi na maaari
Mahal ko na s'ya
Bakit ngayon lang?

Lumipas na panahon
Nasayang na pagkakataon
Hindi na maibabalik ang kahapon
Kung nalaman ko lang sana
Damdamin ay magkatugon
Tayong dalawa na sana ngayon.

Tuesday, July 21, 2015
Topic(s) of this poem: lonely,sad love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success