Puso ko'y nalilito
Ano nga ba'ng totoo?
Mahal kita, 'yan ang sigurado
Ano nga ba ako s'yo?
Kaibigan na nga lang ba?
O baka higit pa?
Bakit iba'ng nadarama?
Sa kilos mo, sinta.
Bakit hindi pa sabihin?
Ako'y mahal pa rin
Bakit hindi pa aminin?
Ako pa rin sa damdamin.
Walang ibang gustong gawin
Kundi ikaw ay pasayahin
Ang 'mahal kita'
Sana'y muli mong sambitin.
Naaalala mo pa ba?
Kahapon nating kaysaya
May pag-asa pa kayang
Muling mahagkan ka?
Laging nananabik
Sa 'yong yakap at halik
Puso mong kay-ilap
Kailan magbabalik?
Ang puso kong ito
Ay maghihintay pa rin
Walang ibang hiling
Sana muli kang maging akin.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem