Basted Poem by rhona fabi

Basted

dala mo ang saya ko
sa bawat araw pangako.
makita ka lang sa araw
ang mundo ko'y 'di bughaw.

masaya ang bawat araw
kung makikita'y ikaw.
pero 'di nung 'sang araw
na kasama mo'y ligaw.

babaeng nagmula 'san,
nakilala mo kailan,
bakit ako pinalitan?
puso ko'y sinugatan.

para akong sinilaban
sa selos na naramdaman.
natumba 'ko sa kung sa'n
dumamay ay wala man lang.

malas bang minahal kita,
mali bang pinansin ka,
at naging masaya ako,
o dahil nasaktan ako... sa'yo?


Copyright © 2006 by Ronalyn 'Rhona' T. Fabi
(An original poem written on the 6th day of December 2006)

(This literary piece is govern with the rights of the author. Anyone who wants to use this poem should first ask the author or contact at reiyuucy_26@yahoo.com)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success