Namnam ko ang Pag-ibig
Sa bawat galaw, bawat sambit
Makulay nga ang buhay
Lalo na't pagmamahalan, nananalaytay
Diwa ko'y nagagalak
Yakap anghel ng mga anak
Bilang ang hakbang, bilang ang pag-akyat
gunitain sa dapit-hapon ay nanghihikayat...
Ikaw may-obra
Di lang ang aba
Pati maharlika
Ngayo'y pinahanga
Narahuyo mong ganap
Puso ko'y nagpupumiglas
Upang wag sayangin
Upang wag tipirin
Nalalabi ko pang mga oras
Yayapusin kita giliw
Mamamasyal kita supling
Magkape tayo aking ina
Habang tanaw ang baybayin
Aking ama nasaan ka?
Akbayan mo rin sana,
Nang dumating man
Kung mamahinga ang sinuman
Bakas pa rin ng bukas
Damdaming matitimyas...
Habilin ko'y sila, bawat saglit aking AMA...
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem