Bibingkang Biyak Poem by Kc Cabauatan

Bibingkang Biyak

maari ba'ng i-hambing ang pagibig sa bibingkang biyak?
may hiwa sa gitna, tila wasak na wasak.
ma-amoy, mapanghi, animoy pan-lasa, 'di mo mawangis,
kung matikman mo lang, ito'y walang ka-paris.

sin-tulad nito ang pinag-tagpi-tagpi kong puso.
ilang beses nagmahal, maraming beses nabigo.
ilang beses nadapa, ngunit bumabangon pa rin at umaasa,
sana balang-araw, darating ang tunay na pag-ibig at pagsinta.

ang pag-gawa ng bibingka'y hindi madali.
sa gitna ng nagbabagang uling, ito'y naka-binhi.
oras ang bilangan upang malaman kung tama ang timpla,
upang malaman kung ito'y luto na, pindutin ang gitna, dapat ito'y di mamasa-masa.

tulad ng bibingka ang puso kong ito.
buhat ito sa mapait na mga ala-ala na dinanas ko.
punit na punit, wasak na wasak; pangit man sa paningin.
ngunit hindi ito hadlang upang ika'y iibigin.

Saturday, September 17, 2016
Topic(s) of this poem: funny love,unrequited love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success