Buhos Ng Ulan Poem by Jesus Diaz Llorico

Buhos Ng Ulan

Sa katatapos lang
ng pagbuhos ng ulan
nitong magdamag
ako ay nagpapahinga
sa'king higaan
at iniisip kita...
nang ika'y aking tawagan
medyo matamlay
ang boses mo...
kinamusta kita
at ang unang sinambit mo ay:
'ang sakit ng katawan ko
aking mga kalamnan
lalo na sa balikat...
binti at braso'
ika'y muli kong tinanong
kung ok lang sa iyo
ang nangyari kagabi
sagot mo namay:
'ok lang nararamdaman ko
kahit masakit
masarap naman
sa pakiramdam
nagpapatunay lang
na katotohanan lahat
at hindi panaginip
ang mga pangyayaring
naganap kagabi
habang bumubuhos
ang malakas na ulan."

Thursday, June 1, 2017
Topic(s) of this poem: love and life
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success