Butiki, nagtatanong lang
Paano ba ang makibaka sa buhay
na hindi nahuhulog sa
makinis na kesame?
Wala ka bang kapaguran?
Saklaw mo ang iyong paligid,
Naiikot mo ang iyong mundo
na walang pag-aalangan...
Pwede kaya kitang tularan?
Ayan ka't katalik ang iyong irog
dyan sa makinis na kesame,
hindi man lang kayo
nahulog......Maheka? o Himala? ?
Paano mo nagawang pag-aralan
itong iyong 'maheka' gayong alam
kong abala ka sa pakikibaka?
Ito ako nakatingala,
Tinatanong kita,
-di mo man lang ako pinansin.
busy kaba? ? ?
Hindi mo man ako kausapin,
isali mo nalang ako sa iyong mga dasal
- 'gumaling sana ang baliw na iyan,
para di nakikipag-usap sa
butiking walang pakialam...'
revised: May 22, Sunday 2005
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem