Ang iyong pagdating
na laging hinihintay,
Init ng iyong halik,
na laging sinasalubong sa bawat pagdating
Subalit bakit nagkaganoon,
Ano ang aking nagawa,
Turan mo aking sala
Bakit nagkaganito
Dating init, pinalitan na ng lamig
Ito ba ay pagsubok,
Damhin mo giliw
Sapagkat kung ito ay tatagal
Tunay na damdamin ko
ay baka matunaw...
April 03,1997
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem