Dating Ikaw Poem by Marites C. Cayetano

Dating Ikaw

Namimiss ko ang dating ikaw
makuwento't mapagbiro
mapag-alala
at kasalo ko sa pangarap.

Subalit anong nangyari?
parang kaylayo mo't
mga salita mo'y nakakasakit...

Nagbago ka na ba
o paghahanap ko'y
hindi na dapat.

Namimiss ko ang dating ikaw
ikaw na nuon
ay kasalo ko sa pangarap.

Monday, November 12, 2012
Topic(s) of this poem: dating,hindi
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success