“dila” Poem by Robert Allan Fernandez

“dila”

Rating: 2.1


Ang dila ay sakbibi ng kasamaan,
Unti-unting nilalason ang bawat bahagi ng katawan.
Kasamaang tinunaw sa nagbabagang apoy,
Mainit ang nag-aalab na kapusukan.
Kasamaang pinatatag sa umuusok na yelo,
Manhid sa lamig ang damdaming taglay.
Kasamaang pinanday ng matigas na metal.
Hinubog, pinatalim, at naging espada.
Espadang handang kumitil ng buhay ng sinuman.
Espadang uhaw sa lasa ng dugong umaapaw.
Espada na nang mabuo’y ‘di na mapigilan sa paghasik ng lagim.
Kaakibat ang pwersa ng demonyo.
Unti-unting sinasaksak ang sangkatauhan.
Pinapatay ang sankalupaan.
Dinadala sa lagablab ng nagniningas nitong pagkawasak.
Hanggang sa mabura na sa daigdig at maghari ang madilim na kalangitan.


Dila….. Maliit, ngunit nagbabadya ng malaking panganib ‘pag ‘di nasupil.


..., robertallan.fernandez@yahoo.com...,

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Robert Allan Fernandez

Robert Allan Fernandez

Cagayan de Oro City-The city of golden friendship
Close
Error Success