☺ Baliw ☺ Poem by Robert Allan Fernandez

☺ Baliw ☺

Rating: 2.0


Palabuy-laboy sa daan, walang direksyong patutunguhan.
Napupuyos sa lahat, matinding pagdarahop ang dinaranas.
Nililipad ang hampas ng hangin, nilalalangoy ang daluyong ng bathiin.
Baliw….. Oo, isang baliw.

‘Di alintana ang tindi ng sikat at init ng araw.
Na unti-unting nanunuot sa kinaibuturan ng balat.
Sinusunog ang pagkatao, maging ang kaluluwa.
Matinding hapdi ang sa katawa’y nadarama.

Tulad ng paru-parong naliligaw sa dilim.
Pinipilit marating ang anag-ag ng nagtatagong buwan.
Hinihintay ang paghimas ng patalim na puno ng dugo.
Dugo na siyang panlaban sa uhaw.

Umuulan ng malakas ngunit tuloy sa paglalakad.
Sinasalo ang matinding pahambalos ng kidlat.
Malakas na dagitab ang humulagpos sa isipan.
Ngunit ang mata’y disyerto ang binabadha.

Nang biglang tumigil sa paglalakbay.
At pilit na isinusuksok ang sarili sa isang sulok.
Humagikhik ng malakas, kumakawala sa lumbay ng puso.
Pagkatapos ay dali-daling naglakbay na muli.

Isang kaawa-awang tanawin, buhay ng baliw.
Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad, ako’y nagising.
Minumuni ang sarili….. Dahan-dahang tumayo at naghilamos.
At nang makita ang repleksyon sa tubig,
Biglang gumulantang ang mukha ng baliw sa aking panaginip.


.., robertallan.fernandez@yahoo.com..,



..., for Filipinos only...,

COMMENTS OF THE POEM
Ency Bearis 02 June 2009

a nice and wonderful write...if it can be translated this into English so this could be understood by everybody in this site it is really a good poem...well presented poetic concept about a life of a crazy person but just only in your dream....10

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Robert Allan Fernandez

Robert Allan Fernandez

Cagayan de Oro City-The city of golden friendship
Close
Error Success