Menu
Thursday, September 1, 2011

Gago!

Rating: 2.0
Patawad sayo nakaraan ko
Napasilip nanaman sa litrato mo
Lintik na pagmamahal kasi to
Bakit pabalik-balik parin sayo

Alam ko naman wala ng pag-asa
Pero naniniwala ako sa himala
Baka ihip ng hangin biglang mag iba
At ako muli ang kasama mong mahiga

Joke lang yun huwag kang mainis
Ang totoo ay gusto lang kita i-kiss
Pero bawal kasi may syota ka na miss
Kaya ako na lang ay aalis

Nakaka badtrip lang talaga balikan
Yung panahon ng ika'y aking pakawalan
Hindi man lang nakagawa ng paraan
Para maibalik ang ating pinagsamahan

Tang ina napa iyak nanaman ako
Bakit ko pa kasi isinulat to
Naalala ko nanaman ang kagaguhan ko
Ayan tuloy sinisipon na ako

Tigilan na nga ang kabaliwan na to
Lalo lang sumasakit ang ulo ko
Mabuti pang magpa sipa sa pulang kabayo
Eh di nalasing pa ako!
Mark Atas
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
COMMENTS

Dreams

Delivering Poems Around The World

Poems are the property of their respective owners. All information has been reproduced here for educational and informational purposes to benefit site visitors, and is provided at no charge...

1/22/2021 8:21:28 AM # 1.0.0.425