Goodness Poem by Minerva Agriam

Goodness

Narinig lang ang pangalan mo,
Ngumingiti na ang puso ko!

Kapag hindi ka nakita,
Ako ay natulala!

Kahit hindi kita iniisip,
Pumapasok ka sa panaginip!

Makulay ang paligid,
Kapag ika'y nakamasid!

Natutulili na nga sa iyo,
Ako ba'y mahalaga din sa iyo?

Ang hirap naman nito,
Nakakalito yata ang ganito!

Minsan ako'y natulala,
Isipan ay gumagala!

Para bang ang mundo ko'y huminto,
Kapag nasaktan ang puso!

Oh, my goodness naman,
Ang hirap ng naramdaman!

Gusto ko na ngang tapusin,
Ang hirap na pasanin!

Oh, my goodness ka talaga,
Kailan mo ako tatantanan?

Oh, please naman,
'Wag mo na akong pahirapan!




(11/12/04. 8: 30 p.m)

Saturday, January 14, 2017
Topic(s) of this poem: hindi
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success