Halika Na Bunso Poem by Marites C. Cayetano

Halika Na Bunso

Sakit na ng tao
ang magmatigas
kahit na ba
nakita na ang pagkakamali
mga paa'y ayaw ihakbang pabalik
upang ang mali
ay itama.

Ganyan ka rin bunso
mabuti man ang iyong puso
sa sarili mo'y
ika'y sakim
di mo binibigyang laya
kahinaang nakatago sa dibdib.

Halika na bunso
minsa'y muli mong damhin
yakap nitong isang ina
hindi ba't kay init
hindi ba't kay ligaya
sapagkat mga puso nati'y
kapwa pumipintig.

Halika na bunso
masdan mo kanilang mga yakap
oh, anong pait
init nila'y pilit pinagtatagpo
habang kamatayan
sila'y pinaglalayo.

Halika na bunso
masdan mo ang mundo
sa dako duo'y mayroong hirap
subalit sa mga puso
ay may tuwa
sapagkat kapiling nila
kanilang mga minamahal.

Friday, August 5, 2016
Topic(s) of this poem: death
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success