Hanap Hanap Ka Poem by Minerva Agriam

Hanap Hanap Ka

Nagbabagang mga mata hinahanap ka;
Sana makaulayaw, sana makasama ka.

Madama man lang sana ang pagmamahal,
Kay tagal tagal ng inaasam asam.

Ang pusong palaging nag-iisa, nahihirapan na;
Kailan kaya matatapus ang paghahanap.

Mga matang gumuguhit ng pangarap,
Nag- uumapaw sa saya.

Pag nakita ka sumusunod sa mga yapak mo;
Itong matang palaging hanap hanap ka.

Bakit ikaw ang hanap hanap;
Bakit ikaw ang pangarap?


(9/14/03. 8: 00 p.m)

Sunday, December 11, 2016
Topic(s) of this poem: dream
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success